Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Mac kinilala ang husay sa pagdidirehe
Direk Mac kinilala ang husay sa pagdidirehe

Direk Mac kinilala ang husay sa pagdidirehe

BAGONG international recognition ang natanggap ng pelikulang Tagpuan and this time, ginawaran si direk Mac Alejandre ng Best Director sa katatapos na Samaskara Inernational Award sa India.

Kamakailan, nanalong Best Feature Film ang Tagpuan sa Chauri Chaura International Film Fetstival. Sa local front, napanalunan ni Shaina Magdayao na kabilang din sa cast ang Best Supporting Actress ng The Eddys mula sa The Society of Philippine Entertainment Editors.

Hinding-hindi makalilimutan ng director ang nangyaring shooting ng movie sa Hong Kong at New York City kahit na nga sa Hong Kong eh, may protest rally na nagaganap.

After ng Tagpuan, sabi ng director, ”We hope for more Festivals for Tagpuan. We have new plans but the pandemic has put everyone on a different state, pace and perspective.”

Para naman sa actor-producer na si Alfred Vargas, patuloy siyang gagawa ng mga pelikulang hindi lang sa bansa magugustuhan kundi sa ibang bansa rin!

Congratulations, direk Mac and to the cast and staff of Tagpuan!

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top