Wednesday , May 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Diego ‘the one’ na si Barbie: Para siyang nanay kung mag-alaga & at the same time para siyang baby
Diego ‘the one’ na si Barbie: Para siyang nanay kung mag-alaga & at the same time para siyang baby

Diego ‘the one’ na si Barbie: Para siyang nanay kung mag-alaga & at the same time para siyang baby

MALA-Derek Ramsay at Ellen Adarna ang peg nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na ilang buwan palang magkarelasyon, pakiramdam nila ay ‘sila na ang magkakatuluyan.’

Enero 2021 inamin nina Barbie at Diego ang kanilang relasyon, samantalang Pebrero 2021 naman sina Derek at Ellen na engaged na.

Sa nakaraang virtual mediacon ng Death of a Girlfriend nina Diego at AJ Raval mula sa Viva Films na idinirehe ni Yam Laranas at mapapanood na sa Abril 30 na may worldwide premiere nito sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV sa halagang P250 at sa Vivamax ay inamin ng aktor na si Barbie na ang, ”the one.”

“Ganoon naman dapat, ‘di ba? Ang aga pa (26 years old ang aktor) pero mature si Barbie in a sense na nothing has not to waste. Ganoon naman kasi talaga when you’re in a relationship with somebody, sayang naman kung you’re in a relationship with somebody but if you don’t think of those things.

“’Yung relationship kasi ‘yung pupuntahan n’yo eventually is marriage have a family, have kids, so ganoon ko na tinitingnan with Barbie and ganoon din naman niya tinitingnan with me.

“We understand each other and not everyday is a good day like in any relationship and we understand each other even more, so it’s no a secret but it’s easier than done and something I like about her.

“Si Barbie kasi can be the most maternal person in a sense na para siyang nanay kung mag-alaga and the same time para siyang baby.

“So ‘yun ang gustong-gusto ko kasi gusto ko rin naman na ako ang nag-aalaga. I like how she can bring out the best in me and ‘pag siya naman ‘pag kailagan niya ng alaga hinihingi naman niya sa akin.

“You try to bring out the best in a person and bring that person to where she wants to be in five years or 10 years.

“Five or 10 years from now, aside from being successful at work or having a big house, having a car, whatever your goals are. Hypothetical lang ‘ito. Siyempre, kasama na rin doon na iniisip mo na mayroon na kayong nga anak, mayroon ka ng kasama matulog gabi-gabi. It’s a good thing,” mahabang paliwanag ni Diego.

Walang selosan na namamagitan kina Diego at Barbie pagdating sa trabaho.

“Alam naman niya na trabaho lang at naiintindihan naman niya ang ginagawa ko,” sambit ng aktor.

Ilang taong nawala si Diego sa showbiz dahil nagpahinga siya at ngayon nagbabalik na siya ay mas focus na.

”Sa tagal kong nawala, nagkaroon ako ng time na inisip ko kung ano ba talaga ang gusto kong gawin or ano talaga ang gusto kong mangyari kung sakaling bumalik ako.

“Ito na nga mismo ‘yun at tuloy-tuloy na siya at marami pang iba na darating pa. I have nothing else to do but to be grateful and keep on working and keep on doing everything right, not to fall off track. I’ve been given a second chance.”

”Mas focused ako ngayon sa ginagawa ko. Alam ko na rin ang hindi ko dapat gawin. If I can sum it up in an easier way, seryosohin ko na talaga ito ngayon.

“I guess last na ito that I will be re-introduced as the new heartthrob. I just have to make sure that I keep on doing things right. After all, matagal na rin ako rito sa showbiz,” pahayag nito.

Samantala, inamin ni Diego na hindi pa sila nagkikita at nagkakausap ng tatay niyang si Cesar Montano matagal na.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top