Wednesday , May 28 2025

Tricycle driver, nanuhol sa pulis (Umiwas sa tiket)

IMBES makalibre sa tiket dahil sa paglabag sa traffic restriction code, inaresto ang isang tricycle driver, matapos balikan ang mga pulis at suhulan ng P1,000 kapalit ng pagbawi sa kanyang ordinance violation receipt (OVR) sa Malabon City, kahapon  ng madaling araw.

Ayon kay P/Col. Joel Villanueva, hepe ng Malabon city police, dakong 5:47 am nang sitahin nina P/Cpl. Bengie Nalogoc at P/Cpl. John Carlo Mata ng Malabon Police Sub-Station 6 si Leonardo dela Cruz, 47 anyos, habang patungo sa binabantayan nilang lugar sa Estrella St., Brgy. Tañong, na kabilang sa quarantine control point (QCP) sa lungsod.

Natuklasan ng mga pulis na nagmula sa Navotas City si Dela Cruz at pumasok sa lungsod ng Malabon, malinaw na paglabag sa umiiral na panuntunan sa ilalim ng ECQ kaya’t inisyuhan ng OVR ni P/Cpl. Nalogoc at pinabalik mula sa kanyang pinanggalingan.

Gayonman, ilang sandali lamang ay bumalik si Dela Cruz at inalok ng areglo ang mga pulis, sabay abot sa P1,000 bilang suhol.

Dahil dito, inaresto siya nang tuluyan ng mga pulis at dinala sa Station Investigation Unit ng Malabon police upang ireklamo kaugnay sa paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code o ang Corruption of Public Official.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Kiko Pangilinan

Netizen may panawagan kay Kiko Pangilinan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKIKIISA kami sa panawagan ng concerned citizen kay Senator-elect Kiko Pangilinan na repasuhin …

cal 38 revolver gun Shabu Drugs

P1.3-M shabu, baril nasabat sa buybust sa Bulacan at Pampanga

MATAGUMPAY na naisagawa ng mga awtoridad ang dalawang magkahiwalay na buybust operations sa mga lalalawigan …

Arrest Shabu

Tulak na kabilang sa regional target list nalambat sa Subic

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug peddler na kabilang sa Regional Target List …

Solidum Fall in love with the problem, not your solutions, identify stakeholder needs

Solidum: Fall in love with the problem, not your solutions, identify stakeholder needs

IN A BID to develop more appropriate solutions tailor fitted to stakeholder needs, the Department …

DOST 2, Cauayan City, ISU Open iSCENE 2025 A Unified Call for Smarter, Resilient Communities

DOST 2, Cauayan City, ISU Open iSCENE 2025: A Unified Call for Smarter, Resilient Communities

THE Department of Science and Technology (DOST), Isabela State University (ISU), and the City Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *