Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jinggoy at JV iginiit, buhay pa si Erap
Jinggoy at JV iginiit, buhay pa si Erap

Jinggoy at JV iginiit, buhay pa si Erap

PINABULAANAN ng magkapatid at former senators Jinggoy Estrada at JV Ejercito ang fake news na pumanaw na ang kanilang amang si dating pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada.

Ayon kay Jinggoy, hindi totoo ang mga kumakalat na balitang patay na si Erap.

Sambit naman ni JV, kung sino man ang nasa likod ng fake news ay hindi maka-Kristiyano.

Dagdag nito, hindi mo dapat hilingin na may mangyaring masama sa isang tao kahit hindi mo pa gusto ang taong ito.

Nakiusap din ito na huwag ipakalat ang mga larawan ni Erap na nasa ospital dahil privacy ito.

Kinompirma ng dalawa na kasalukuyang naka-confine ang dating Manila mayor dahil sa COVID at pneumonia.

Stable na ang kalagayan nito ngunit anila ‘guarded condition’ at nagpasalamat sila sa mga nagdasal at patuloy na nagdarasal para sa kanilang ama.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top