Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / #ICSYFuture, trending ang pilot episode
#ICSYFuture, trending ang pilot episode

#ICSYFuture, trending ang pilot episode

MAINIT ang pagtanggap ng netizens at viewers sa unang episode ng hit drama series na I Can See You: #Future nitong Lunes (April 5).

Pasok sa trending list sa Philippines at nag-number 1 pa ang hashtag na #ICSYFuture. Aprobado rin sa netizens at viewers ang mahusay na performance ng mga bida pati na rin ang naiibang kuwento ng #Future na pinaghalong romance at sci-fi.

Tampok dito ang Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara. Kuwento ito ng social media addict at segment producer na si Vinchie (Miguel) na magkakaroon ng kakayahang makita ang hinaharap sa pamamagitan ng CCTV footage. Dahil sa bagong kapangyarihan ay maililigtas niya sa kapahamakan ang misteryosong babae na si Lara (Kyline).

Mapapanood ang mini-series na I Can See You: #Future hanggang April 9, pagkatapos ng First Yaya, sa GMA Telebabad. 

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top