Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ruru Madrid pinuri ni Ms. Rhea Tan sa kasipagan
Ruru Madrid pinuri ni Ms. Rhea Tan sa kasipagan

Ruru Madrid pinuri ni Ms. Rhea Tan sa kasipagan

ANG Kapuso actor na si Ruru Madrid ang latest addition sa star-studded na roster ng Beautederm ambassadors.

Base sa FB post ng Beautederm CEO and President na si Ms. Rhea Anicoche Tan, masaya siya at excited sa bagong member ng kanyang family:

“What a way to kick-off the summer season and the second quarter of 2021 — I am so happy to formally welcome to Beautéderm Corporation, one of the most talented and hottest young actors in the industry today — the one and only Kapuso hunk — Ruru Madrid!

He is our newest Beautéderm Brand Ambassador and we are all excited to soar high with him!

Watch out for his official Beautéderm Campaign!”

Ang Beautederm ang isa ngayon sa top leaders ng beauty and wellness industry sa bansa.

Sa aming saglit na huntahan sa lady boss ng Beautéderm, nabanggit niyang matagal na rin daw niyang gustong kuning ambassador si Ruru.

Saad ni Ms. Rhea, “Actually matagal ko na rin like kunin si Ruru, nag-imbestiga muna ako kung totoong mabait na bata, hehehe.”

Napatunayan nga raw ni Ms. Rhea na mabait at masipag mag-post ng tungkol sa BeauteDerm si Ruru.

“Nang nagpunta rito (sa bahay), tapos picture-picture kami… wala pa kaming contract noon. Tapos nagpo-post ng pics niya ng BeauteDerm, kaya nagugulat ako, nire-repost niya,” masayang kuwento pa ni Ms. Rhea.

Ang ilan sa A-List endorsers ng Beautéderm ay sina Marian Rivera, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Sylvia Sanchez, Korina Sanchez, Piolo Pascual, Christopher de Leon, Bea Alonzo, at Dingdong Dantes.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top