Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Rapist ng dalagita nasilat (Huli sa damo)
Rapist ng dalagita nasilat (Huli sa damo)

Rapist ng dalagita nasilat (Huli sa damo)

NADAKIP ng mga awto­ridad ang isang lalaking isinumbong sa kasong panggagahasa sa isang dalagita sa bayan ng Puli­lan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 5 Abril.

Sa ulat mula sa Pulilan Municipal Police Station (MPS), kinilala ang nadakip na suspek na si Ricky John Cruz, residente sa Brgy. Tibag, sa nabanggit na bayan.

Inaresto si Cruz kaugnay sa reklamong panggagahasa sa isang 16-anyos dalagita na sinasabing naganap sa nabanggit na barangay.

Sa pagdakip sa suspek, nakompiska rin ang isang selyadong plastic sachet ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana.

Bukod sa kasong rape, nadagdagan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang suspek na ngayon ay nakakulong sa Pulilan MPS Jail.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top