Thursday , May 6 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Mayor Sara sumibat pa-Singapore
Mayor Sara sumibat pa-Singapore

Mayor Sara sumibat pa-Singapore

TAHIMIK na sumibat patungong Singapore kahapon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kasama ang isang anak.

Nabatid sa ulat na dumating sa NAIA Terminal 2 via Philippine Airlines (PAL) flight mula Davao City ang alkalde dakong 9:00 am kahpon.

Dakong 2:15 pm ay sumakay si Mayor Sara sa isang Singapore-bound Singapore Airlines flight (SQ-917) mula sa boarding gate no.115 ng NAIA Terminal 3.

Batay sa report, karga ng alkalde ang isang anak at kasunod nila ang isang assistant at isang PSG (Presidential Security Group) bodyguard.

Walang kibo ang Palasyo kaugnay sa paglabas ng Filipinas ng presidential daughter.

Noong Lunes ng gabi, hindi dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases kaya’t wala rin ang regular niyang public address tuwing Lunes.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top