Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / James Reid long hair at mala-foreign singer sa porma at dating (Nag-iba na ng looks)
James Reid long hair at mala-foreign singer sa porma at dating (Nag-iba na ng looks)

James Reid long hair at mala-foreign singer sa porma at dating (Nag-iba na ng looks)

MUKHANG deadma na talaga itong si James Reid sa paggawa ng pelikula at teleserye. Tinotoo niya ang sinabi na mas type niyang mag-concentrate na lang sa kanyang singing career.

At hindi ang local ang target ni James kundi ang international scene at mukhang may chance naman ang hunky singer-actor base ‘yung ginawang music video na “Backhouse Ballin” na collab with Manila Grey ay napanood sa Big Led Screen sa Citywalk sa Universal Studios Orlando, Florida.

Tunog foreign ang boses ni James at magaling ang dance moves niya kaya mapapagkamalan mong foreign artist. Hindi lang recording artist si James kundi owner pa ng sariling recording company na Careless Manila nagha-handle rin ng ibang talents including Nadine Lustre na ex ba o dyowa pa rin ni James?

At kaya niya itinayo ang Careless Manila ay para masunod ang gusto niya sa tipo ng mga kakantahin. Siyempre siya ang boss ng sariling company kaya magagawa ni James ang lahat ng gusto niya na for him ay dito siya ang maggo-grow. May ilang awards nang tinanggap si Reid sa kanyang music career.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top