Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / News / DFA Consular Offices sarado hanggang 11 Abril
DFA Consular Offices sarado hanggang 11 Abril

DFA Consular Offices sarado hanggang 11 Abril

MANANATILING sarado ang Consular Offices passport division ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna.

Kinompirma ito ng DFA kasunod ng ipinaiiral na extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa mga nabanggit na lugar hanggang sa 11 Abril 2021.

Kabilang sa mga saradong Consular Offices ng DFA ang tanggapan sa Aseana sa Parañaque City, Antipolo, Dasmariñas, Malolos, at San Pablo

Ang passport at authentication applicants na naka-schedule sa panahon ng extended ECQ ay tatanggapin pagkatapos ng nasabing restriksiyon.

Agad magpapalabas ng anunsiyo ang DFA sakaling magkaroon ng mga pagbabago sa direktiba ng gobyerno.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top