Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Erap bumubuti na ang kalagayan
Erap bumubuti na ang kalagayan

Erap bumubuti na ang kalagayan

MABUTI at nababantayan naman nang husto si Presidente Erap. Napuna raw ng nurse na nagbabantay sa dating presidente ang kakaibang paghinga niyon, na noong una ay inakala nilang dahil sa paninigarilyo lamang. Wala silang inisip na Covid dahil ilang araw lamang ang nakaraan nang sumailalm sila sa swab test at lumabas na negative naman siya sa sakit.

Gayunman, ipinayo raw ng kanyang cardiologist at ng kanyang pulmonary doctor na mas mabuting dalhin siya sa ospital kung saan maisasagawa ang mas mahusay na pagsusuri. Pero bago nga siya tanggapin sa ospital, sumailalim siyang muli sa isang swab test at  lumabas na siya ay positibo sa Covid19.

Ganyan naman talaga iyang test sa Covid eh, wala ring accurate. Minsan sasabihin negative ka pero may sakit ka na pala. Minsan din may lumalabas na positive tapos basta naman inulit wala palang sakit.

Ang maganda nga lang, mukhang mabilis na nakaka-recover si Presidente Erap, dahil nakapagpa-interview na siya sa telebisyon, bagama’t nakakabit pa sa oxygen para tulungan siyang huminga ay mukha ngang papalakas na siya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top