Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alice sa Canada nakahanap ng surrogate mother
Alice sa Canada nakahanap ng surrogate mother

Alice sa Canada nakahanap ng surrogate mother

ANG big news tungkol kay Alice Dixson ay ang pagiging ina na n’ya for the first time sa edad na 51.

Nagkaanak siya sa second husband n’yang bigtime executive sa isang hotel chain at sa Boracay naka-assign ang mister n’ya.

“By surrogacy” siya nagkaanak. Kapareho niyong teknolohiya kung paano nagkaanak sina Korina Sanchez at Mar Roxas. At si Korina pa nga ang nagpayo sa kanya noon na magpa-freeze ng eggs n’ya para may magamit sa pag-aanak n’ya kung handa na siyang maging ina.

Sa Canada nakahanap si Alice ng surrogate mother para sa anak niya. Papabalik na siya rito, kasama ang baby nila na ang sex ay inililihim pa.

Mabuhay ang bagong ina na si Alice. At least, tuloy pa rin si Alice sa Legal Wives project n’ya sa Kapuso Network pagkatapos ng mabilisan niyang pangingibang-bansa para asikasuhin ang kanyang baby.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top