Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alice dumating na ang ‘milagrong’ pinakahihintay
Alice dumating na ang ‘milagrong’ pinakahihintay

Alice dumating na ang ‘milagrong’ pinakahihintay

DUMATING ang isang “milagro” kay Alice Dixson na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram.

Pero hindi ultra sound ng baby ang picture na hawak niya sa IG kundi dalawang maliit na footprints.

Sa kaugnay na balita, nabasa namin sa Instagram ng talent manager na si Manay Lolit na ang pregnancy ni Alice ay through surrogacy. Isang foreigner pala ang second husband niya.

Anumang paraan ng pagkakaroon ng anak ang ginawa ng Kapuso actress, pagmamalaki niya sa IG, ”So with great patience, belief and trust – I am happy to announce that my wish has finally come true.

“Our newest family member has arrived,” bahagi ng caption ni Alice.

Hindi na magwi-wish ng baby si Alice taon-taon tuwing hinihipan ang kandila sa birthday cake niya!

Anyway, kabilang siya sa cast ng Kapuso series na Legal Wives.

I-FLEX
ni Jun Nardo

 

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top