Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sanya nagbilad ng kaseksihan sa resort ni Gabby
Sanya nagbilad ng kaseksihan sa resort ni Gabby

Sanya nagbilad ng kaseksihan sa resort ni Gabby

LALONG nagpa-init ang Kapuso star na si Sanya Lopez matapos mag-post ng sexy bikini photos sa kanyang Instagram account. Kuha ang mga ito sa beach resort sa Batangas na pagmamay-ari ng kaniyang First Yaya leading man na si Gabby Concepcion.

Nagsilbing pahinga ito ng cast sa tatlong sunood-sunod na lock-in tapings para sa bagong primetime series. Kasama ang co-star na si Kakai Bautista, nagtampisaw ang dalawa sa dagat at talaga namang pinusuan ng fans ang kanilang posts sa social media.

Daan-libong likes at mga papuri sa comments section ang natanggap ni Sanya. Sey ng karamihan, blooming ang aktres at bagay na bagay ang suot na swimsuit!

Kasalukuyang napapanood si Sanya as Yaya Melody katambal si Gabby bilang President Glenn Acosta sa First Yaya gabi-gabi sa GMA Telebabad.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top