Friday , April 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Kahit si Sara pa o si Bong Go  

KAHIT pa si Davao City Mayor Inday Sara Duterte o si Sen. Bong Go ang tumakbo bilang presidente sa darating na 2022 elections, matitiyak nating mahihirapang manalo ang dalawa dahil na rin sa kabi-kabilang kapalpakan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ang usapin sa paglaganap ng pandemya dulot ng CoVid-19 ang tatapos sa presidential bid ng mamanukin ni Digong at ito ang magtatakda kung nararapat bang ihalal ang dalawang nag-aambisyong politiko na maging pangulo ng bayan.

Sa ngayon, baliw lang ang magsasabing matagumpay ang gobyerno ni Digong sa pagharap sa malalang problema sa CoVid-19. Kung ang mga kalapit na bansa ay patuloy sa pagbaba ng bilang ng kaso ng CoVid-19, ang sitwasyon sa Filipinas ay kabaligtaran naman.

Patunay sa kapalpakan ng pamahalaan ang muling pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) status sa National Capital Region at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ang muling pagpatupad ng ECQ ay malinaw na pag-amin na bigo ang pamahalaan ni Digong sa pagtugon sa problema ng pandemya.

Walang naging maayos at sistematikong pagtugon ang pamahalaan sa CoVid-19 maliban sa magulo at kanya-kanyang mga pahayag ng mga kampon ng Malacañang habang ang bayan ay patuloy na sinasalanta ng pandemya.

At hindi rin maikakaila ni Digong na dahil sa pandemya, ang problema sa kahirapan ay nagpapatuloy at pumapatay sa taongbayan. Walang solusyon sa malaganap na kawalang trabaho, nagtataasang presyo ng bilihin, mataas na singil sa koryente at tubig.

Nasaan na rin ang pangako ni Digong na kanyang tatapusin ang korupsiyon, krimen, at droga sa sandaling maupo bilang pangulo? Matatapos na ang kanyang termino pero wala ni isa man ang natupad sa kanyang mga pangako sa mamamayan.

Kaya nga, kung nag-iilusyon man si Sara at si Go na ipagpapatuloy nila ang maiiwang legacy ni Digong ay kalimutan na lamang nila ito dahil sa galit ng taongbayan, malamang sa pusalian sila damputin sa araw ng eleksiyon.

At isa pa, anong legacy ba ang ipagpapatuloy nila?  O kapalpakan ni Digong?!

Mas makabubuti kung maging senatorial candidate na lamang si Sara at mag-concentrate na lang itong si Go sa paggawa ng batas.  Huwag nang mangarap pang maging pangulo ang dalawa kahit sabihin pang lahat ng makinarya ay nasa kanila.

Sa ngayon, tanging sina Manila Mayor Isko “Yorme”  Moreno, Senador Manny Pacquiao, Senador Panfilo Lacson, dating Senador Bongbong Marcos, Vice President Leni Robredo, at Senador Grace Poe ang malamang na magbangga sa presidential elections at nasa taongbayan kung sino sa kanila ang ihahalal at karapat-dapat na mamuno sa bayan.

SIPAT
ni Mat Vicencio

 

About Mat Vicencio

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *