Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jessy at Luis umiwas sa mala-karnabal na kasalan
Jessy at Luis umiwas sa mala-karnabal na kasalan

Jessy at Luis umiwas sa mala-karnabal na kasalan

MUKHANG ginawang pampamilya at pribado ang pagpapakasal nina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Ayaw nila na maging parang karnabal at showbiz na showbiz ang kasal nila.

Okey lang ‘yon dahil matagal na namang alam ng madla ang relasyon nila. Actually, ni hindi na nga kailangang magpakasal ang mga celebrity at mayayaman na ang mga relasyon ay lantad sa madla, lalo na ang mga pagbabakasyon nila sa labas ng bansa na sa isang kama lang sila natutulog.

Mas kailangan ng kasal ng mga ‘di-sikat at ‘di-mayayaman, para kung magkahiwalay man sila, may ebidensiyang nagsama sila at may karapatan ang mga anak nila sa mga ari-arian nila ‘pag isa sa mga magulang nila ay pumanaw na.

Iwanan man ng mister n’ya ang isang mayamang babae na magaling maghanap­buhay, ‘di magdurusa sa kapobrehan ang mga anak.

Sa mga may matitinding relasyon na ‘di pa kasal, pwede n’yong gamitin ang katahimikan ng kuwaresma para magnilay kung dapat pa kayong pakasal o dapat ay mag-live-in na lang. (DANNY VIBAS)

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top