Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Buboy Villar gaganap na Betong Sumaya sa MPK
Buboy Villar gaganap na Betong Sumaya sa MPK

Buboy Villar gaganap na Betong Sumaya sa MPK

MULApagkabata ay pangarap na ni Betong ang maging isang sikat na matinee idol at leading man sa pelikula at telebisyon.

Kahit suportado siya ng kanyang pamilya, alam ni Betong na hindi siya magandang lalaki kaya imposibleng maabot niya ang kanyang pangarap.

Bukod dito, iniiisip niya na mahihirapan siyang magtagumpay sa buhay dahil mahirap lamang ang kanilang pamilya.

Bigo pa siya sa pag-ibig, hindi matanggap sa trabaho, at may sakit pa ang kanyang ama.

Nguni’t sa kabila ng lahat ng hirap at balakid, nagtagumpay si Betong at naging isang sikat na host at komedyante sa telebisyon at pelikula.

Ngayong Sabado, March 27, isang bagong episode ng Magpakailanmanang mapapanood tungkol sa kuwento ng tunay na buhay ni Betong Sumaya. Panoorin natin ang pambihirang nilakbay ni Betong sa buhay upang makamit ang tagumpay.

May pamagat na  Ultimate Survivor: The Amazing Story of Betong, tampok sina Buboy Villar, Epy Quizon, Candy Pangilinan,  at Crystal Paras. Ito ay idinirehe ni Conrado Peru, sa panulat ni John Roque, at pananaliksik ni Georis Cielo Tuca.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top