Saturday , April 20 2024

Aktor Mark Anthony posibleng makalusot sa pagpapabakuna

POSIBLENG makalusot sa anomang kaso ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa kanyang pagpapabakuna kontra CoVid-19 sa Parañaque City.

Ito ang inamin ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos konsultahin ang kanilang legal department sa maaaring pananagutan ng aktor.

Ayon kay Usec. Epimaco Densing, walang batas ang maaaring gamiting kaso laban kay Fernandez matapos siyang sumi­ngit sa mga baba­kunahan.

Kung mayroon man dapat managot, ito ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na nagbigay ng bakuna sa aktor.

Tinukoy ni Densing na posibleng kasuhan ang City Health Officer at ang alkalde na si Edwin Olivares dahil sila ang mga supervisory personnel sa pagtuturok ng CoVid-19 vaccine.

Una nang inamin ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na nabaku­nahan ang nasabing aktor dahil kasama sa qualified substitute ng mga umatras sa priority list ng mga babakunahan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *