Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 2 drug peddler mas piniling mamatay kaysa sumuko
2 drug peddler mas piniling mamatay kaysa sumuko

2 drug peddler mas piniling mamatay kaysa sumuko

BINAWIAN ng buhay ang dalawang ‘manga­nga­lakal’ ng droga matapos manlaban at makipagbarilan sa pulisya sa anti-illegal drug operation na ikinasa sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkoles, 24 Marso.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga napaslang na suspek na sina Edison Dizon ng Looban, Brgy. Tabing-ilog, bayan ng Marilao; at Gaudioso Juarez, Jr.,, ng Mapulang Lupa, bayan ng Pandi.

Batay sa ulat, ikinasa ang mga operatiba ng Marilao Drug Enforcement Unit ang buy bust operation laban sa mga suspek sa Brgy. Tabing-ilog, sa naturang bayan dakong 10:20 pm kamakalawa.

Habang nagkakaroon ng transaksiyon, napag-alamang nakatunog ang mga suspek sa presensiya ng mga awtoridad sa lugar kaya umastang manlalaban.

Gayonman, sinabihan ng mga operatiba ang mga suspek na sumuko ngunit binunot ang kanilang mga baril saka pinaputukan ang mga awtoridad.

Dito napilitang gu­man­ti ng mga operatiba at sa ilang minutong palitan ng putok, nasapol ng bala ang dalawang suspek na kanilang ikinamatay.

Sa pagproseso ng Bulacan SOCO Team sa lugar ng insidente, narekober ang basyo, bala, at baril gayondin ang 22 selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at buy bust money. (M. BAUTISTA)

About Micka Bautista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top