Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagtulong ni Ivana sa mahihirap binibigyang kulay
Pagtulong ni Ivana sa mahihirap binibigyang kulay

Pagtulong ni Ivana sa mahihirap binibigyang kulay

IBANG klase ang drama ni Ivana Alawi  na sa halip i-display ang mga mamahaling Hermes bag, nagpanggap siyang babaeng grasa at nagkunwaring walang pamasahe pauwing Baguio.

Iba’t ibang denomination ng pera ang ibinibigay ng mga nilalapitan ni Ivana at natutuwang hindi makapaniwala ang mga nabibigyang netizens ng pera bilang kapalit sa mga nailimos sa kanya.

Libo kung magbigay si Ivana. Hindi P200 o P300 sa mga naglilimos sa kanya ng P10 o P20.

Sa pamimigay ng aktres medyo naiyak siya dahil kung sino pa raw ‘yung mahihirap, siya pang sincere magbigay ng pera sa kapwa.

Ang daming datung ni Ivana at namimigay siya. Ang tanong tuloy ng iba, may balak bang tumakbo ang sexy actress ngayong eleksiyon?

Well, sabi ni Ivana hindi niya type pasukin ang politika.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

 

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top