Friday , May 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anne, unang Pinoy na naka-14M followers sa Twitter
Anne, unang Pinoy na naka-14M followers sa Twitter

Anne, unang Pinoy na naka-14M followers sa Twitter

MULING pinatunayan ni Anne Curtis na siya pa rin ang itinuturing na most influential personalities in Asia dahil siya ang kauna-unahang Filipino na nagkaroon ng 14 million followers sa Twitter.

Sa post ni Anne sa kanyang social media account ng screenshot ng 14 million Follower, sinabi nito ang ”Thank you, my tweethearts!”  

Taong 2009 pa aktibo na si Anne sa kanyang Twitter account hindi lamang para makipag-interact sa kanyang fans kundi para rin magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa mga national issues at advocacy tulad ng children’s welfare.

Aktibo rin si Anne sa pagbabahagi ng mga nangyayari sa kanyang personal na buhay tulad ng kanyang engagement, kasal, pagkakaroon ng anak at kung ano-ano pa.

Consistent si Anne sa pangunguna bilang most followed Philippine personality sa Twitter. Nasa top five naman sina Vice Ganda, Angel Locsin, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top