Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Socmed nilanggam dahil kina Julie Anne at David
Socmed nilanggam dahil kina Julie Anne at David

Socmed nilanggam dahil kina Julie Anne at David

NILALANGGAM ulit ang social media dala ng mga behind-the-scenes photos ng cast ng upcoming GTV series na Heartful Cafe.

Pinagkaguluhan ng netizens ang recent tweet ng Kapuso actor na si David Licauco na makikita ang sweet selfie nila ng leading lady na si  Julie Anne San Jose na may caption na, ”Ay yung crush ko.”

Kilig na kilig ang mga nakakita nito at inulan ang post ng libo-libong likes.

Agree ang netizens na may chemistry ang dalawa at talagang bagay sila para sa mga magiging roles sa inaabangang serye.

Marami pa nga ang humihirit na sana ay totohanin nila ang mga nakakikilig na eksena.

“DAVID YUNG CAPTION MO TOTOHANIN NIYO NA PLEASE, MAGHIHINTAY KAMI KAHIT GANO PA KATAGAL YAN!!!!!”, sigaw ng fan.

Abangan ang nalalapit na pagbubukas ng Heartful Café soon sa GTV.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top