Tuesday , November 4 2025

Resbakuna sa QC District 2 health workers, umarangkada na

MAHIGIT sa 1,000  health workers ang naghihintay at nakatakdang mabakunahan ng AstraZenica sa pag-arangkada ng Resbakuna sa District 2 ng Quezon City, na nagsimula nitong Lunes

Ito’y matapos sumalang sa screening ang health workers ng QC na mahigit 1,000 doses ng bakuna mula sa Department of Health (DOH) ang kanilang tinanggap.

Ayon kay Dra. Lanie Buendia, OIC Health Officer ng District 2 Quezon City Health Department, aabot sa 5,700 medical frontliners sa buong QC ang nakatakdang mabakunahan gamit ang AstraZenica at Sinovac vaccines.

Sa Batasan National High School, mayroong 1,000 health workers para sa 1,000 doses ang babakunahan.

Nitong Lunes ay may 165 ang tumanggap ng AstraZenica habang 200 ang inaasahan na mababakunahan at ang natitirang hindi nabakunahan ay maaaring hanggang Huwebes.

Nabatid, wala namang napaulat na ‘adverse effect’ sa unang araw ng Resbakuna sa Batasan QC ngunit imino-monitor pa rin ng health department ng lungsod ang mga unang nabakunahan.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bianca Tan Meowffin Town Cat Cafe

Bianca Tan protektado fur babies sa negosyo

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging aktres ay pinasok na rin ang pagnenegosyo ni Bianca Tan via …

Manny Pacquiao MannyPay

Manny Pacquiao pagagaangin buhay ng mga Pinoy sa MP 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinalita ng Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao ang kanyang bagong negosyo …

Manny Pacquiao MannyPay

Pacman inilunsad Manny Pay

HARD TALKni Pilar Mateo SA ginanap na grand launch ng Manny Pay na pag-aari ng world boxing …

Manny Pacquiao Jinkee Pacquiao MannyPay Chavit Singson

Manny Pacquiao Papa at ‘di lolo ipatatawag sa unang apo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SOBRA-SOBRA ang kasiyahan ng dating senador na si Manny Pacquiao sa pagkapanalo ng …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …