Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea del Rosario, proud sa horror movie nilang Biyernes Santo
Andrea del Rosario, proud sa horror movie nilang Biyernes Santo

Andrea del Rosario, proud sa horror movie nilang Biyernes Santo

NAGKAKAISA ng pananaw sina Andrea del Rosario, Gardo Versoza, at Direk Pedring A. Lopez na de kalidad ang kanilang pelikulang Biyernes Santo.

Na­banggit ni Gardo na isa itong horror movie na puwedeng isabay sa Hollywood.

Pahayag ng former member ng Viva Hot Babe,

“Yes, sinabi iyon ni Gardo which also direk Pedring pointed out. He said that not like other horror movies, walang masyadong ‘gulat’ ito. Mas nag-focus daw ‘yung movie more sa color ng scenes and lighting.”

Ipinahayag ni Ms. Andrea, proud siya sa kanilang pelikula. “Super! It’s an amazing project to be part of. Super light and easy cast, director, crew! Smooth sailing! Super-duper proud cast member!”

Paano siya nag-prepare sa role niya rito?

Sagot ng aktres, “To answer your question, to prepare for my role, fortunately, hindi ako masyadong matatakutin. As a Born Again kasi, we believe that if you believe too much in kahit anong… I guess, spirit, you give life to it, e. So as much as possible, I don’t entertain them and I don’t give them so much thoughts.

“Noong ginagawa namin ‘yung mga scene, ang nakatulong talaga sa akin that time is the fact that I also have a daughter, and the fact that there was one particular scene that I was gonna lose her, so ‘yun talagang nakatulong sa akin that very moment. Also like what they mentioned, especially Direk and Gardo, he said that the whole set, the whole vibe in the set was very helpful para sa aming mga artista, everything was chill.”

Pahabol ni Ms. Andrera, “Pero bina-block out ko lahat ng mga takot kasi napakadilim po ng bahay. So ayun, nakatulong po para magawa namin ang mga trabaho namin bilang mga artista and I worked with Direk before in Maria, by the way, who has a lot of nominations… so ‘yun po, napakadali pong magtrabaho niya bilang artista.”

Sa Semana Santa, ipalalabas ng Vivamax sa March 26 ang horror movie na Biyernes Santo. Available ang Vivamax online sa web.vivamax.net, o i-download ang app sa Google Play Store. Watch all you can sa Vivamax, P149/month lang, at mabibili ang Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top