Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor nangangatog ang tuhod ‘pag nakakakita ng pogi
Aktor nangangatog ang tuhod ‘pag nakakakita ng pogi

Aktor nangangatog ang tuhod ‘pag nakakakita ng pogi

MARAMING fans ang male star, pogi naman siya kasi at marunong din namang umarte, hindi pa nga lang nabibigyan ng malaking break. Pero sinasabi nila, sayang na sayang ang pagiging pogi niyon dahil talagang sa totoong buhay nangangatog ang kanyang tuhod basta nakakakita rin ng pogi. At kahit na sarado ang simbahan, nakahanda siyang lumuhod  ng walang belo.

Sa mga ka-close niya inaamin ang kanyang tunay na damdamin, na siya ay pusong mamon din. In fact isa nga siya sa sinasabing naghahabol din sa isang poging influencer sa social media.

Iyon nga lang hindi naman siya pansin niyon dahil siyempre may mga nauna na.

Ngayon, gusto naman daw ng poging starlet ang isang actor ding nakasama niya lately. (Ed de Leon)

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top