Saturday , April 20 2024

Acne bumigay sa Krystall Herbal Powder at Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Teresa Escandor, 45 years old, isang guro sa Malabon City.

Ngayon pong panahon na ang pagtuturo ay ginagawa sa online o blended learning, marami kaming disbentahang nararanasan bilang mga guro.

Hindi rin po kami agad nakatutulong sa mga estudyante naming hindi nakapapasok sa online classes kasi nga po hindi po kami nagkikita.

Sa totoo lang po, hirap na hirap kami kung paano imo-motivate ang mga estudyante namin dahil nga sa sistema ng pagtuturo ngayon.

‘Yun po yata ang dahilan kung bakit napuno ng acne ang aking mukha.

Malaking tulong po sa akin ang naitabi kong Krystall Herbal Powder at ang Krystall Herbal Oil.

Sa gabi po bago matulog, naghihilamos ako ng maligamgam na tubig gamit ang isang herbal soap. Tutuyuin ko po ito at pagkatapos ay kukuha ako ng bulak na nilalagyan ko ng Krystall Herbal Oil. Idinadampi ko sa mga acne. Medyo matagal po, halos isang minuto bawat acne at ang bulak o cotton ay pinapalitan bawat acne kaya matrabaho po talaga.

Kapag natapos ko na po lahat dampian ng bulak na may Krystall Herbal Oil, isa-isa ko rin nilalagyan ng Krystall Herbal powder.

Ay Sister Fely, napakalaking tulong dahil ngayon ay halos tuyo na ang mga acne. May mga naiwan na lang pong maiitim na peklat pero patuloy ko pong dinadampian ng Krystal Herbal Oil para tuluyang pumusyaw ang peklat.

Maraming, maraming salamat po Sis Fely Guy Ong. Marmai po kayong natutulungan.

TERESA ESCANDOR
Malabon City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

 

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *