Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Enchong Dee gustong maka-hang-out si Maine
Enchong Dee gustong maka-hang-out si Maine

Enchong Dee gustong maka-hang-out si Maine

ANG part 2 ng Jojowain Totropahin challenge ng mag-BFF na sina Enchong Dee at Erich Gonzales para sa kanilang EnRich Originals YouTube channel na in-upload nitong Sabado ng gabi.

Unang tanong ni Enchong kay Erich, jojowain o totropahin ba niya si Rayver Cruz? ”Tropa, bro na lahat ‘yan si Mr. Rayver Cruz.”

Sabi rin ng aktor, ”oo bro lahat kahit saan challenge siya magpunta bro siya. Parang nakikita mo sa Instagram niya, friends niya lahat.”

Naalala pa ni Erich na isa si Rayver sa mga umalalay noon sa kanya kasama si Enchong noong down siya. ”Sila ang nakapagpapunta sa akin sa club, first and last ‘yun guys.”

“Ako rin first and last ko rin. Si Rayver hindi nagka-clubbing pero sumama siya,” sambit ni Enchong.

Tanong ng dalaga sa kaibigan, ”Janella Salvador?”

“Jojowain. Ang lambing kasi ni Janella ‘di ba? Tapos with the little information na pagkakilala ko kay Janella, gusto niya nilalambing siya. Gusto ko ‘yung ganoon, eh (sabay muwestra na niyayakap),” sagot ng aktor.

Ang Encounter lead actor namang si Park Bo Gum para kay Erich, ”Jowa, Park Bo Gum (sabay hawak sa magkabilang pisngi).”

Ang paborito nitong KDrama ni Park Bo Gum, ”itong huli ‘Record of Youth kasi kapag umiiyak siya, naiiyak din ako. So Park Bo Gum, salanghae (sabay muwestra ng heart in Korean).”

Nang si Liza ng Blackpink naman ang itinanong ni Erich kay Enchong, ”jojowain, ano ‘yan uno-dos ko in no particular order si Jenny (Blackpink) at Liza. Tapos I found out sa docu nila na hindi pala siya talaga Koreana, but Thai. She studied Korean language, ang galing niyang sumayaw (super lambot sabi ni Erich), ang galing mag-rap, sobrang sexy. Parang ikaw (Erich) sexy, beautiful.”

Tugon ni Erich, ”’wag mo ako ikukompara sa kanila maraming mangba-bash sa akin.”

Si Zach Efron naman para kay Erich, ”okay puwedeng jojowain kasi napanood ko ‘yung ‘High School Musical’ nila ni Vanessa (Hudgens).”

Ano naman si Kim Chiu para kay Enchong? ”Siguro Jojowain kasi crush ko si Kim noong una, pero siyempre ngayon tropa ko na siya. Pero noong una alam mo naman ako mahilig sa mga pisngi (panahon ng show na My Girl). Noong time na ‘yun talagang (gustong panggigilan ang pisngi). Gusto ko ang quality ni Kim energy at happy, ganoon siya ‘di ba?

“Actually kapag napapanood ko siya sa ‘Showtime,’ nabibilib ako sa kanya kasi nakakasabay siya sa lahat ng energy sa mga kasama niya which is good. I’m glad that she’s still have that character energy tapos nahahawa niya ‘yung ibang tao.”

Tropa naman si Sam Milby para kay Erich, ”tropa, nakasama natin siya sa Star Magic tour dati sa ibang bansa, parang okay naman siyang tropa.”

At nabanggit din ni Erich na communication is the key para magtagal ang isang relasyon.

Si Maine Mendoza para kay Enchong, ”nauna na, totropahin. Gusto kong ka-hang out ‘yung mga taong I would have a great conversation laugh at the same time on and on. Feeling ko one day excited ako kapag nakausap ko siya tapos tawa lang kami ng tawa.”

Gustong makilala rin ni Erich si Maine, ”Arjo (Atayde) pakilala mo kami, huwag mo ipagdamot. Sabi nga ni RB (Changco), kasi mine-make apan din niya si Maine puro good words ang sinasabi niya, kaya sabi ko pakilala niya ako.”

At kung may Maine, mayroong Alden Richards at ang sagot ni Erich, ”jojowain. Hindi ko pa siya nami-meet pero parang ‘yung qualities niya ‘yun din marami akong nakakausap na puro mabubuti ‘yung sinasabi about him kaya puwede naman siguro (jojowain).”

Hirit ni Enchong, ”at mas makapal ang buhok niya sa akin.”

“Wala ‘yan sa looks, sa character,” mabilis na sagot ng dalaga.

Ang pambato nating Ms Universe na si Rabiya Mateo ang tanong ng dalaga sa kaibigan, ”I love her convictions (kaya) Jojowain. I love having a quality conversation with people and feeling ko ‘yung values na maituturo niya sa akin parang mae-excite ako everyday to wake up beside someone.”

Tropa ulit ang sagot ni Erich kay Zanjoe Marudo, ”tropa!  Alam mo ang saya niyang kasama, he’s so nice. He’s always check up on me, ‘day kumusta okay ka?’ Ang gaan at masayang kasama ‘yung ganoong tao.”

Totropahin naman ang sagot ni Enchong sa dalagang Youtuber na si Zeinab Harake na may 9.68M subscribers sa YT, ”totropahin kasi I still need to get to know her. Parang I need to bond or hang out with her more. ‘Zeinab sana mag-collab tayo and let’s hang out ang get to know each other.’”

Napahiyaw naman si Erich nang banggitin ni Enchong ang Korean actor na si Hyun Bin kaya ang tanong ng binata kung sino ang mas angat sa kanila ni Park Bo Gum.

“Jowa! Hindi mo puwedeng i-compare kasi magkaiba sila. Si Hyun Bin mature, si Park Bo Gum (sabay pop ng dalaga) parang cuticles ganoon,” esplika ng aktres.

Nabanggit din ang pangalan ni Francine Diaz, ”ay fetus pa pala ‘yun Chong, pero sige,” sabi ni Erich.

“Wala naman sa edad ‘yun, sige jojowain!,” sabi ng binata.

“Ay grabe talaga ‘to, iba talaga kamandag mo. Kakasabi ko lang fetus ‘yun,” paalala ni Erich.

“Sobrang natutuwa ako kapag kasama mo si Francine sa taping (Huwag Kang Mangamba). I enjoyed her company. It’s nice to get insights from younger people,” sabi ng aktor.

Si Paulo Avelino naman para kay Erich ay, ”Tropa, nakasama natin siya sa Scotland. Mabait siya hindi kami masyadong nakapag-usap ng todo-todo. Shy type si Paulo no?”

May iba pang celebrities na binanggit ang dalawa at abangan kung sino pa ang gusto nilang maging jowa at tropa sa EnRich Originals YT channel.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top