Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco at Julia magkasamang nagbakasyon sa Bora
Coco at Julia magkasamang nagbakasyon sa Bora

Coco at Julia magkasamang nagbakasyon sa Bora

HINDI na makatatanggi pa sina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang relasyon ngayong kalat na kalat na sa social media ang mga larawan nilang makasama silang nagbakasyon sa Boracay.

Limang pictures nina Coco at Julia ang naka-post sa socmed. Tatlong pictures ang ipinost ng isang @juliam.glow na patungo sa counter ang dalawa. Sumunod ang picture na nakatayo sa counter si Julia habang nasa likod nito si Coco. At ang ikatlong picture ay iyong nakapasok na sila sa isang bahagi ng airport.

May post din mismo si @cocomartin na nasa isang sasakyan habang siya ang nagmamaneho at naka-puting polo. Ang suot na iyon ni Coco ay tulad ng suot na polo habang nasa airport silang dalawa ni Julia.

Ang huling picture naman ay mula sa Lyka app ni @montejulia08 na picture na may caption na “New Normal.”

Komento ng ilang netizens, unti-unti ng isinasapubliko nina Julia at Coco ang kanilang relasyon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top