Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sheryl, mas feel ang younger men
Sheryl, mas feel ang younger men

Sheryl, mas feel ang younger men

SECRET,”   tumatawang  bulalas ni Sheryl Cruz sa tanong kung in-love ba siya ngayon.

Sa tanong naman kung mas gusto niya ang isang lalaking mas matanda sa kanya o kasing edad niya, makahulugan ang unang sinabi ni Sheryl.

“You know what, you forgot to ask, ‘Do you like younger men?’

“It depends, actually.

“And I can’t say that most of the time, I get along with only matured guys, or guys my age.

“I also get along with men who are actually younger than me, for as long as parehas kami ng wavelength, at saka nagkakaintindihan kami.

“Kung ano man ang pinag-uusapan namin, at kung medyo matured naman sila, even if they are younger than me, if there’s something I can learn from them, that would be interesting for me.”

Sinabi rin ng aktres na, ”I just don’t limit myself to guys who are older than me or same age as me.

“Kasi para sa akin, kung magaling silang conversationalist, you can pretty much talk about anything under the sun, and for as long as they are interested in getting to know me as a person and not as the public personality, the better.”

Magkasama sina Sheryl at Jeric Gonzales, na mas bata kay Sheryl, sa teleserye ng GMA na Magkaagaw na may relasyon ang mga karakter nilang sina Veron at Jio.

At dahil sa pagsasama nila at sa maiinit na lovescenes sa Magkaagaw, natsismis at patuloy na natsitsismis na may relasyon ang dalawa sa tunay na buhay.

Kahit anong tanggi nina Sheryl at Jeric, kahit na lagi nilang sinasabing magkaibigan lamang sila at purely professional ang kanilang relasyon, marami ang naniniwalang may something sa kanila.

Naganap ang question & answer ni Sheryl at ng kanyang mga tagahanga sa Youtube channel ng aktres, ang Ask Sheyl na maging ang mga personal na tanong ay game na sinagot ng aktres.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top