Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jao Mapa balik-Viva, gagawa ng sitcom sa TV5
Jao Mapa balik-Viva, gagawa ng sitcom sa TV5

Jao Mapa balik-Viva, gagawa ng sitcom sa TV5

PUMIRMA ng kontrata si Jao Mapa sa Viva Artists Agency at si tita Aster Amoyo ang magko-co manage sa aktor.

Saad ni Jao, “Binigyan na ako ng project sa TV5, sa TV series na Puto na pinagbibidahan nina Herbert Bautista and McCoy de Leon. Hindi ko pa kilala ibang artista. I begin shooting this comming 16th.”

“Blessings ito,” matipid na swika pa niya.

Aniya pa, “Im getting back to my old family, I was under them before ALV and I get a call from tita Aster last month lang yata, inquiring if I’d like to be managed by her under Viva and I said, ‘Yes’.

“Ganoon yung contract ko sa ALV, five years. Ang Ang Probinsyano was my first project with them, the pilot episode.

“Needed to have a release form from them before signing with Viva. Eh alam ko, expired na ang contract ko with ALV. Pero nagbigay naman ang ALV ng release form at nagpaalam ako nang maayos kina Arnold Vegafria, kaya malinis naman ang pag-alis ko sa kanila.”

Sitcom ba iyang Puto? Maninibago kaya siya? “I guess, it’s been quite awhile since I did a comedy. Last was Palibhasa Lalake and that was decades ago, hahaha! Medyo kinakabahan nga ako eh, plus this pandemic medyo kinakalawang pa siguro, di ko alam. Balitaan na lang kita kapag nakunan na, hehehe.”

Naka-work na ba niya si Herbert before? “No, but I was with him in a talk show after I graduated from UST. Plus, there was a group exhibition of artists na binuo nina Maria Isabel Lopez and Evangeline Pascual, Mayor, then, bought my work among from the other artists,” wika pa ni Jao na very soon ay mapapanood din sa pelikulang Balangiga 1901.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top