Friday , May 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris umalma sa mga nambu-bully sa mga anak
Kris umalma sa mga nambu-bully sa mga anak

Kris umalma sa mga nambu-bully sa mga anak

BINALAAN ni Kris Aquino ang mga nambu-bully at nang-iintriga sa mga anak na sina Josh at Bimby.

Unang inintriga si Josh na sinasabing nakabuntis umano ito. Hinamon ni Kris ang mga nambabatikos na pangalanan at ipakita kung sino ang babae.

Ang anak na si Bimby naman ay inulan ng batikos mula sa netizen at sinasabing bakla umano.

Ayon kay Kris, ”I know my son doesn’t identify as being gay, but in the event he ever does, he will still be my son. The bullying you are doing is a reflection of your homophobic attitudes that are no longer welcome in 2021.”

Pagtatapos ng ‘Queen of All Media’, lubayan ng mga ito ang anak niya at mananatili siyang private citizen, ngunit kung patuloy itong babatikusin, maaaring masagad na ito. O ‘di ba, galit si Kris? Siyempre nga naman, involved na kasi ang mga anak. Bilang isang ina, masakit para sa kanya na intrigahin at batikusin sina Josh at Bimby.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top