Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bea ayaw na ng artistang BF
Bea ayaw na ng artistang BF

Bea ayaw na ng artistang BF

SA interview ni Bea Alonzo sa vlog ni Ethel Booba kamakailan, sinabi niya na ang gusto niyang susunod na magiging boyfriend ay hindi na celebrity. Lahat kasi ng naging boyfriend niya before ay mga celebrity. Pero hindi rin naman niya masasabi kung sino ang mapipili ng puso niya. Basta’t hangga’t maari, ayaw niya na ng celebrity.

At sana raw kung sino man ang bago niyang makakarelasyon ay hindi na magiging sakit ng kanyang ulo. Pagod na siya sa sakit sa ulo.

Well, sino kaya sa mga naging boyfriend ni Bea ang naging sakit sa kanyang ulo? Una niyang naging boyfriend ang namayapang aktor na si Miko Palanca. Sumunod ay si Zanjoe Marudo at ang huli ay si Gerald Anderson.

Sino nga ba sa tatlo, Bea?

MA at PA
ni Rommel Placente

 

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top