Friday , May 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Thia nahirapang pumapel bilang PSG
Thia nahirapang pumapel bilang PSG

Thia nahirapang pumapel bilang PSG

NAHIRAPANG umastang lalaki ang beauty queen na si Cynthia Thomalla dahil sa character niya sa GMA series na First Yaya na mag­sisimula ngayong gabi.

Pa­papel na isang member ng Presidential Security Guard si Thia (tawag kay Thomalla) sa series. Eh dahil nasanay siyang rumampa bilang beauty queen, naging awkward sa simula ang character.

“Kai­la­ngan matigas ang dating ko dahil member ng PSG. Nahira­pan noong una pero kalaunan ay naayos ko na rin,” pag-aamin ni Thia.

Duma­an si Thia sa firing training at ilang araw din niyang naka-bonding ang mga totoong PSG upang mag-swak siya sa role. Lalabas na presidente ng bansa si Gabby Concepcion.

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top