Thursday , October 9 2025

Quarry checker sa Pampanga timbog sa droga  

ARESTADO ang isang quarry checker matapos pagbentahan ng ilegal na droga ang mga hindi nakilalang anti-narcotics operative ng Mabalacat City Police SDEU nitong Biyernes, 12 Marso, sa isang mini-farm, sa 56 St., Mawaque Resettlement Center, Sapang Biabas, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/Col. Arnold Ibay ang suspek batay sa ulat ni P/Lt. Col.  Rossel Cejas, na si Liberato Gonzales, alyas Batotoy, 52 anyos, kabilang sa drugs watchlist, may asawa, quarry checker at nakatira sa Mawaque Resettlement Center, ng nabanggit na lugar.

Nakuha ng mga operatiba sa pag-iingat ng suspek ang dalawang pakete na naglalaman ng limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at marked money.

Sa nakalap na impormasyon ng mga awtoridad, umeerya ang suspek sa mga quarry site at sa lungsod ng Mabalacat para maisakatuparan ang kanyang mga ilegal na gawain.

Sangkot rin umano ang suspek sa serye ng robbery-hold up sa lalawigan ng Pampanga.

Nahaharap ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Mabalacat City PNP sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Joey Salceda

Salceda sa Bangkok Climate Talks delegates: Nahigitan pa ng  Pilipinas ang pangako nitong lumipat sa “Renewable Energy”      

IPINAGKAPURING ipinahayag ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa mga delegado sa ‘High …

PSC Elite Link

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong …

SM Super Spelling Bee 2025

SM Super Spelling Bee 2025: Young Word Wizards Shine at the Grand Finals

AFTER months of grueling eliminations held across the country, the nation’s most talented young spellers …

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag - Gabu residents

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag – Gabu residents

LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadesmaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong …

bagyo

Meralco nakatutok sa epekto ng bagyong Paolo

NAKAANTABAY at handa ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magresponde kapag nagkaaberya sa …