Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kim Chiu masaya ang buhay ngayon

Kim Chiu masaya ang buhay ngayon

ISA pang naoobserbahan ay si Kim Chiu na masayang-masaya sa kanyang buhay ngayon. Hindi kagaya noong araw na ang tingin mo parang laging problemado. Kung iisipin, mas may problema nga sila ngayon sa kanilang career dahil hindi pa rin nakababalik talaga ang ABS-CBN, at sa aminin man nila o hindi, iba pa rin ang following ng kanilang mga show na inilalabas nila sa ibang estasyon.

Totoo rin na lumakas ang kanilang shows nang ilabas sa TV5 dahil may mahigit 30 provincial stations naman iyon, kaya walang point of comparison doon sa Zoe na bukod sa Channel 11, isa lang ang estasyon at nasa Palawan pa iyon, UHF pa.

Pero siyempre hindi pa rin iyan kagaya ng dati na 150 kilowatt power ang main station nila at mahigit na 50 yata ang provincial stations puwera pa iyong satellite broadcast.

Pero si Kim, kuntento na sa ABS-CBN. Naaalagaan pa rin naman siya.

Ed de Leon

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top