Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Diego sa pagkawala sa showbiz noon: Nagpahinga at nagmuni-muni
Diego sa pagkawala sa showbiz noon: Nagpahinga at nagmuni-muni

Diego sa pagkawala sa showbiz noon: Nagpahinga at nagmuni-muni

BINIGYANG-LINAW ni Diego Loyzaga ang dahilan ng pagkawala niya sa showbiz.

Sa virtual media conference ng TV5 para sa Pinoy version ng Korean series na Encounter na pagbibidahan nina Diego at Cristine Reyes, natanong kung ano ang tunay na dahilan ng pagkawala niya noong 2019.

Ani Diego, kailangan niyang magpahinga at magmuni-muni para sa kanyang buhay at kinabukasan.

“I took a break a well-needed break. May kasabihang if you’re having… if it’s too much, it’s always better to take a break than force it,” panimula ng hunk actor.

“And I can say that it was long enough and I’m ready to work again. And I am here, I am working, so it’s glad to be back.

“It’s as simple as it is, I just really needed to take a break, reflect on what I want to do, in five years, in 10 years, what career path I want to take. I wanted to go back to studies, stuff like that, so it was just time to reflect,” sabi pa ni Diego.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat naman kapwa sina Diego at Cristine  na sila ang napili para sa sikat na sikat na South Korean drama series na  Encounter na pinagbibidahan nina Park Bo Gum at Song Hye Kyo.

Mapapanood ang Encounter simula March 20. Ito’y co-production venture ng Sari-Sari, Cignal Entertainment, at Viva Television na mapapanood sa TV5.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top