Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / BG Productions all out na uli sa paggawa ng movies

BG Productions all out na uli sa paggawa ng movies

MATAPOS madiskaril ang mga pelikula dahil sa pandemic, all out ngayon ang BG Productions sa bagong movie na Abe-Nida para sa comeback offering nito.

Naganap ang press conference ng movie sa Marco Polo Hotel sa Ortigas Center na dinaluhan ni  Ms Baby Go pati na ang lead at supporting cast ng movie na passion project ng award-winning director na si Louie Ignacio.

Makakatambal sa unang pagkakataon ng award-winning actor na si Allen Dizon ang Kapuso actress na si Kathrina Halili.

Isang mentally deranged sculptor si Allen habang may dual character si Katrina na ang isang pangalan ay Nida.

Kabilang din sa cast ang Pola, Oriental Mindoro mayor na si Ina Alegre gayundin sina Leandro Baldemor, Joel Lamangan, Laurice Guillen at iba pa.

Bukod sa movie outfit, mayroon din itong BG Showbiz Plus magazine. May tatlo silang bagong publications, ang broadsheet na BG Public Eye at tabloids na BG Expose at BG Dyaryo.

Plano ring mag-venture ng producer na si Go sa broadcast media kabilang ang television.

Jun Nardo

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top