Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Young actor bibigyan ni gay millionaire ng Mercedes Benz V12 makilala lang
Young actor bibigyan ni gay millionaire ng Mercedes Benz V12 makilala lang

Young actor bibigyan ni gay millionaire ng Mercedes Benz V12 makilala lang

LALONG tumaas ang popularidad ng isang young actor hindi lamag bilang isang actor at matinee idol kundi bilang crush din ng mga kababaihan at ibang nag-aakalang babae rin sila.

Nang mabalitaan ng isang gay millionaire na bumili siya ng isang SUV kamakailan, nagsabi agad iyon na ”padadalhan ko siya ng Mercedes Benz V12, para iyon na ang gamitin niya basta makilala ko siya.”

Mukhang malaki talaga ang crush sa kanya ng gay millionaire, dahil ang ibang artistang niligawan noon ay dinala lamang at ipinag-shopping sa abroad, kabilang na ang ilang Brazilian models. Pero ang young actor, makilala  lang daw ay bibigyan na agad ng Mercedes Benz na V12. Kulang-kulang P10-M na ang halaga niyon.

Pogi naman kasi ang male actor at sinasabi ngang napakabait pa. ”Alam kong hindi siya kagaya ng ibang pagsasamantalahan ang aking kabaitan.”

At totoo bang nagdaan na rin sa gay millionaire ang sinasabing umagaw ng girlfriend ng young actor?

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top