Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Luis Manzano at Jessy Mendiola ikinasal na nga ba? (Alex at Mikee ang peg?)
Luis Manzano at Jessy Mendiola ikinasal na nga ba? (Alex at Mikee ang peg?)

Luis Manzano at Jessy Mendiola ikinasal na nga ba? (Alex at Mikee ang peg?)

IBINALITA sa popular na website na Fashion Pulis, na last February 21 ay lihim na nagpakasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Although medyo blurred ang kuha sa bride and groom ay makikita pa rin na sina Luis at Jessy ang mga nakasuot ng pangkasal.

Sa The FARM, sa San Benito, Lipa Batangas naganap ang wedding na dinalohan ng both parents ng newly weds. May ilang kaibigang artista sina Luis at Jessy na sikretong dumalo sa kasal at kasama raw sa entourage.

Well, ayon sa report ng Fashion Police kaya raw isinikreto ang kasal ng showbiz couple (Luis and Jessy) sa publiko ay dahil sa vlog nila idedetalye ang nangyaring wedding.

Wow, sina Alex Gonzaga at Councilor Mikee Morada pala ang peg nina Luis at Jessy, na itinago rin ang kasal na naganap noong November last year sa mansion ng mga Gonzaga, sa Taytay Rizal.

Well kung totoong ikinasal na nga sina Luis at Jessy, siguradong marami ang masaya para sa kanila.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top