Friday , May 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cloe at Quinn bagong pasisikatin ng Viva
Cloe at Quinn bagong pasisikatin ng Viva

Cloe at Quinn bagong pasisikatin ng Viva

ISA ng certified Viva artist sina Cloe Barreto at Quinn Carrillo na parehong pumirma ng ng 10-picture guaranteed contract for five years sa   Viva Films.

Parehong miyembro ng all female group na Belladonnas sina Cloe at Quinn na parehong mahusay kumanta at sumayaw, pero ngayon ay susubukan naman ang pag-arte.

Malaki ang pasasalamat ng dalawa sa 3:16 Event and Talent Management ni Len Carillo dahil sa maganda ang pag-aalaga sa kanila at pagbibigay ng magagandang proyekto.

Pero bago pumirma ng kontrata sa Viva Films sina Cloe at Quinn, nakagawa na ang mga ito ng isang napakagandang pelikulang ipalalabas na, ang Silab’ na idinirehe ni Joel Lamangan, hatid ng 3:16 Media Network Production.

Makakasama rito sina Marco Gomez, Jason Abalos, at si Starstruck Avenger Karl Aquino.

Bongga nga ang pasok ng taon sa 3:16 Events and Talent Management dahil halos lahat ng kanilang artists ay pare-parehong may trabaho at nakapirma sa malalaking TV at movie outfit like Sean De Guzman na pumirma na ng movie contracts sa Viva Films at nagbida na sa Anak Ng Macho Dancer.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top