Monday , November 17 2025
shabu drug arrest

4 katao timbog sa P128K shabu

APAT katao ang inaresto sa magkahiwalay na anti-drug operation ng mga awtoridad sa mga lungsod ng Pasig at Marikina nitong Martes, 9 Marso.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina sina Ronald Juangco, 39 anyos; Melward Arcilla, 53 anyos; Jose Santos, 55 anyos; at Jayson Florendo, 31 anyos.

Unang nadakip ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sina Juanco, Arcilla, at Santos, dakong 3:30 pm kamakalawa sa Dr. Sixto Antonio Ave., Brgy. Maybunga, lungsod ng Pasig.

Nasamsam ng mga operatiba mula sa mga suspek ang 16 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P108,800, at buy bust money.

Kasunod nito, nadakip si Florendo dakong 7:40 pm sa San Miguel Phase 3, Brgy. Fortune, sa lungsod ng Marikina.

Nakompiska mula sa suspek ang drogang tumitimbang ng tatlong gramo at nagkakahalaga ng P20,400, at mga shabu paraphernalia.

Nakapiit ang apat sa detention cell ng Eastern Police District (EPD) at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …