Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Rapist na most wanted timbog sa Manhunt Charlie (Sa Pampanga)
Rapist na most wanted timbog sa Manhunt Charlie (Sa Pampanga)

Rapist na most wanted timbog sa Manhunt Charlie (Sa Pampanga)

ARESTADO ang isang rapist sa isinagawang operation Manhunt Charlie ng mga awtoridad nitong Linggo, 7 Marso, sa bayan ng Bacolor, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek na si Eric Cunanan, 34 anyos, residente sa Sta. Lucia, bayan ng Sasmuan, sinasabing kabilang sa most wanted persons ng nabanggit na lalawigan.

Sa ulat, agad sinalakay ng mga kagawad ng 302nd Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 3, bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Jesusa Mylene Suba-Isip, presiding judge ng Regional Trial Court Br. 49 ng Guagua, ang pinagtataguang lugar ng suspek sa Brgy. Maliwalo, Bacolor, na nagresulta ng kanyang pagkaaresto sa kasong panggagahasa.

Sa estasyon ng pulisya, positibong kinilala at itinuro ng mga kaanak ng biktima ang suspek sa nasabing krimen.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top