Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Female starlet matindi ang tililing
Female starlet matindi ang tililing

Female starlet matindi ang tililing

STAR tripper”. “Male celebrity obsessed.”

Iyan ang bintang ng mga netizen sa isang female starlet na mukhang obsessed kung sino ang sikat na male personality, maging politiko man, sportsmen o kapwa niya artista. Basta sumikat at nadikitan niya, asahan mo na makagagawa siya ng paraan para iyon ay maging syota niya. May kakaibang paraan nga raw kasi ang female starlet para mai-pamper ang lalaking ilusyon niya.

Pero mabilis naman siyang magsawa. Basta nasubukan na niyang gawin ang lahat at sa tingin niya ay wala na siyang magagawang eksperimento sa sex, tiyak gagawan niya ng paraan para hiwalayan ang lalaking minsan ay naging ilusyon niya. Para sa kanya talagang trip-trip lang.

Ang hindi lang maganda pinalalabas niyang ang mga naging syota niya ay “hanggang doon lang.”

Kaya nga minsan, may isang naging syota ang female starlet na nagsabing, ”matindi ang tililing ng babaeng iyan. Sobrang maniac kasi niyan.”

Totoo ba iyon? Sana may magsalita sa mga recent boyfriends niya.

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top