Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Charles Nathan kabado kay Nora
Charles Nathan kabado kay Nora

Charles Nathan kabado kay Nora

MAY halong excitement at kaba ang nararamdaman ni Charles Nathan dahil si Nora Aunor ang makakasama niya sa pelikulang prodyus ng GodFather Productions ni Joed Serrano, ang Kontrabida.

Madalas kasing makakaeksena ni Charles si Nora kaya grabeng paghahanda na ang ginagawa niya.

Post ni Charles sa kanyang FB account, ”Super excited na po ako makatrabaho ang buong cast ng ‘Kontrabida.’

“Medyo kabado  ako kasi si Miss Nora ‘yung makaka-eksena ko. Napakahusay na aktres so, dapat handa ka ‘pag humarap ka sa kanya.

“Kaya nga po nag-a-undergo ako ng acting workshop para magampanan ko ng tama ‘yung role ko.

“Nagpapasalamat ako sa GodFather Productions at kay Joed sa tiwala at pagkakataong ibinigay sa akin.”

Bukod kay Nora makakasama ni Charles sina Rosanna Roces, Jaclyn Jose, Bembol Roco, Ricky Gumera atbp. na ididirehe ni Adolfo  Alix Jr. under Godfather Productions and Ovation Productions.

(JOHN FONTANILLA)

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top