Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Allan K ‘di maitago ng halakhak ang lungkot
Allan K ‘di maitago ng halakhak ang lungkot

Allan K ‘di maitago ng halakhak ang lungkot

NAPANOOD namin iyong paglabas ni Allan K sa The Boobay and Tekla Show (TBATS). Halata naming naluluha siya habang sinasabing naniniwala siyang matatapos din naman ang pandemya, at oras na mangyari iyon, maibabalik na niya ang Zirko at Klowns. Inamin niyang para sa kanya, hindi lamang negosyo iyon. Iyon ang buhay niya.

Para nga raw siyang namatayan nang magdesisyon siyang isara na ang mga iyon. Ayaw niyang magsara dahil ang akala niya noong una ay ilang buwan lang ang itatagal ng lockdown. Alam niyang napakaraming tao ring umaasa ng kanilang kabuhayan sa kanyang mga comedy bar. Iyong mga comedian, waiters at iba pang mga manggagawa, pero wala na nga siyang choice. Ang laki ng binabayaran niya sa rentals, tapos wala namang kinikita. Dalawang beses pa siyang namatayan, tinamaan pa rin siya ng Covid.

Halata mong malungkot na malungkot si Allan K at hindi iyon naitatago ng kanyang pagpapatawa at malalakas na halakhak.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top