Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / David pinuri ang work ethics ni Julie Anne
David pinuri ang work ethics ni Julie Anne

David pinuri ang work ethics ni Julie Anne

KINILIG ang shippers ng #JulieVid tandem sa naging pahayag ng Kapuso hunk na si David Licauco tungkol sa kanyang leading lady sa upcoming GTV series na Heartful Café na si Julie Anne San Jose.

Sa naganap na Kapuso Brigade Zoomustahan, na-curious ang fans sa kung ano ang masasabi ni David ngayong nagkakasama na silang dalawa sa mga eksena.

Pagbabahagi niya, hangang-hanga siya sa work ethics ni Julie sa set. ”She’s very nice. As we all know maganda naman talaga si Julie and she’s very talented. But ang pinakahinangaan ko sa kanya is ‘yung mood n’ya at 8 a.m. is not different from ‘yung mood n’ya sa last scene. I think that says a lot about her na masipag talaga siya at gusto niya ‘yung ginagawa n’ya. Sinabi ko nga sa kanya ‘yun, eh. Na parang ang galing at ‘di ko siya nakita ever na sumimangot.”

Kalat na sa social media ang mga behind-the-scene photos ng Heartful Café at hindi talaga maikakaila ang kanilang chemistry. Kaya naman, todo abang na sila sa nalalapit na paglabas nito sa GTV.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top