Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine Mendoza nasa TV 5 na
Maine Mendoza nasa TV 5 na

Maine Mendoza nasa TV 5 na

HINDI si Sarah Geronimo ang magkakaroon ng show sa TV5 kundi si Maine Mendoza na siyang magho-host ng biggest band search sa bansa na “PopPinoy” at magiging co-host rito ni Maine ang ka-dabarkads na si Paolo Ballesteros. Kung may partisipasyon man si Sarah sa show na ito ay endorser siya ng Talk ‘N Text na siyang major sponsor ng PopPinoy.

First time ni Maine na mag-host  ng ganitong klaseng show pero dahil sa malawak na experience sa pagho-host araw-araw ng iba’t bang segment sa Eat Bulaga ay sigurado kami na kakayanin ito ng host-actress.

By the way, kahit may programa sa TV5 si Maine, ay patuloy pa rin siyang mapapanood sa Eat Bulaga. Inilabas na rin ng Universal Records ang Lyric video ng latest single nitong “Lost With You” na may thousand views na. ‘Yung unang single ni Maine na Parang Kailan Lang ay humamig na ng one million views sa YouTube.

Bongga ang birthday celebration ni Maine sa Eat Bulaga last March 3 at bumaha ng maraming cakes mula sa kanyang fans and endorsements.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top