Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janine type jowain sina JC, Paulo, Joshua, Alden, at Sam
Janine type jowain sina JC, Paulo, Joshua, Alden, at Sam

Janine type jowain sina JC, Paulo, Joshua, Alden, at Sam

MALAYO pa pareho sa isipan nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz ang pagpapakasal dahil pareho pa silang abala sa kanilang karera.

Si Janine ay parang nagsisimula palang sa kanyang showbiz career dahil bukod sa bagong lipat sa ABS-CBN, ngayon lang din siya inuulan ng maraming movie projects at sa Abril ay sisimulan naman niya ang teleserye mula sa Dreamscape Entertainment kaya rito naka-focus ng aktres.

At si Rayver naman ay abala rin sa taping ng bago niyang teleserye sa GMA 7 at kailangan niyang magtrabahong mabuti dahil hinuhulugan niya ang bagong biling bahay para sa sarili o baka sa future house nila ni Janine.

“I’m just really thankful for what we have now,” sambit ni Janine.

Anyway, nakatsikahan si Janine sa ginanap na blogcon para sa pelikulang Dito at Doon kasama sina JC Santos, Yesh Burce, at Victor Anas­tacio  mula sa direksiyon ni JP Habac at produced ng TBA Studios na mapapanood na sa Marso 17 (Miyerkoles) sa sinehan at sa Marso 31 sa online streaming sites tulad ng iWantTFC, KTX.ph, [email protected], at Ticket2me.

Sa unang pagkakataon ay sumabak sa Totropahin at Jojowain challenge si Janine na kinikilig sa mga aktor na binanggit.

Unang binanggit ang leading man niya sa Dito at Doon na si JC.

“Jojowain! Jojowain talaga si JC, sobrang hangga ako sa kanya kung paano niya mahalin ang pamilya niya, hay grabe! Boyfriend material talaga,” masayang sabi ng dalaga.

At bilang leading man, ”JC is such a gentleman. Sobrang generous, ganoon din siya very tropa type at chill lang. Alam naman nating lahat na ang sarap panoorin ni JC, abangan n’yo siya sa ‘Dito at Doon’ ibang level talaga na hays’ parang heart na lang ‘yung mata mo.”

Ikalawang aktor ay si Paulo Avelino na isa sa producer ng Dito at Doon.

“Ha, haha, parang mas jowa rin ‘yung vibe ni Paulo kaysa tropa. Mga charming kasi ‘yung mine-mention. Hindi mo mapigilan na mas jowain kaysa tropa,” sambit ni Janine.

Ikatlo si Joshua Garcia, ”My gosh!  Cute rin si Joshua, ha, haha.  Ano ba ‘yan lahat ng sagot ko jojowain. He’s so talented, friendly oo, baka mas jojowain.”

Pang-apat si Alden Richards, ”ha, haha, si Chard oh my God! Actually, puwedeng jowain. Masama sa akin ‘tong game na ‘to puro jowain ang sagot ko. But Alden is so sweet, sobrang saya niyang katrabaho (Victor Magtanggol) sarap kausap so, ano rin jojowain,” tumatawang sagot ng aktres.

Ang ikalima ay si Sam Milby, ”oh my Gosh. Napakaguwapo ni Sam and he seems like a very nice guy. Oh my puwede rin siyang jowain. Ayoko na puro jowain na lang, ha,ha, ha,” tumitiling sabi ni Janine.

Ika-anim si Gerald Anderson”my gosh!  Well, ano siya bestfriend siya ni Rayver so siyempre tropa, totropahin, yes.”

Ika-pito naman si John Lloyd Cruz, ”oh my gosh, siya ‘yung pinaka-pangarap kong makatrabaho when I watch all his movies super idol ko ‘yan. So, I guess as a fan tropa.”

Pang-walo si Daniel Padilla, ”oh my gosh, ano para kaming, ano ba kinakapatid ko ba siya? Basta ‘yung mga mommy namin magkumare, at saka KathNiel fan ako kaya tropahin,” masayang sabi ng dalaga.

Ika-siyam si James Reid, ”oh my gosh James Reid! Pinapanood ko rin ‘yung mga serye niya, I think totropahin. Feeling ko sobra siyang masarap kausap tungkol sa music and things like that so, feeling ko masaya siyang maging tropa.”

At ang ika-sampu ay si Enrique Gil”I’m a LizQuen fan so tropahin din,” masayang saad ng dalaga.

Sa sampung aktor na binanggit ay apat lang sa kanila ang type jowain ni Janine at lahat ay totropahin lang at dalawa sa mga ito ay taken (Sam at JC) na at malabo namang maging jowa ni Janine sina Joshua dahil masyadong bata gayundin si Alden.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top