Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Career ni Donny makaalagwa pa kaya?
Career ni Donny makaalagwa pa kaya?

Career ni Donny makaalagwa pa kaya?

MAY nagsasabing mukhang nakatunog si Donny Pangilinan na walang mangyayari sa kanilang Sunday noontime show kaya umalis na siya agad bago natigok iyon at nagbalik sa ABS-CBN. At least hindi masasabing nagbalik lang siya sa dati niyang network at hindi na naghintay na matigbak iyon.

Siyempre tinanggap siya ng dati niyang network at ngayon ay mayroong bagong show na mapapanood sa internet at sa Zoe TV. Pero ano nga kaya ang future niyon?

Kung iyong show sa TV5 hindi nakalaban, lalo’t kung iisipin na ang TV 5 ay may mahigit sa 30 provincial stations, ano ang mangyayari sa Zoe TV na bukod sa Channel 11 ay may isa lamang pronvincial station at sa Puerto Princesa, Palawan pa iyon? ‘Di ang aasahan lang din nilang audience ay iyong nasa internet.

Ano ang mangyayari kay Donny na umaasang mas sisikat siya riyan?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top