Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor ikukuha ni Doc ng condo para maging lovenest nila
Aktor ikukuha ni Doc ng condo para maging lovenest nila

Aktor ikukuha ni Doc ng condo para maging lovenest nila

ANG kuwento ng aming source, nangako naman daw si Doc na hindi niya pababayaan ang male star lalo na at nalaman niyang nakipag-break iyon dahil nalaman ni misis ang tungkol sa kanilang dalawa. Kaya naman every now and then, ang male star ay nagpupunta raw sa kanyang private clinic sa isang malaking ospital, at tinutustusan naman niya ang pangangailangan niyon dahil wala nga iyong trabaho sa ngayon.

Mukhang balak ni Doc na kumuha ng isang condo, kahit rented lang muna at doon patuluyin ang male star hanggang hindi siya umuuwi sa bahay nila. At kung sakali naman daw, maaaring iyon na lang ang kanilang love nest para roon sila makapagkita at hindi na sa kung saan lugar na may makakakita pa sa kanila.

Mukhang masyadong concerned si Doc sa male star, at mukha ngang matindi ang kanyang interest. Iyong iba kasi basta naka-date na niya tapos na, pero si male star gusto yata niyang gawing boyfriend talaga.

Iyan si male star, naging boyfriend din iyan ng isang closet queen na politiko noong araw. (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top